Thursday, October 23, 2008

The Gasoline Station Post

Kaninang umaga nagpa-gas ako sa Petron potek ang mura na ng gasolina. Dati nung nag start ako price nya nasa 52 pesos unleaded yun huh! Pero ngaun 46 unleaded. Kaya naman palit ako ng gasolina syempre yung pinaka sosyal, Petron Blaze. Kaya pag nagpapagas ako laging banat sa akin ng gasoline boy..

"ser unleaded po isang litro?!"

nak ng potek tingin mo sa akin cheap?!

"dre petron blaze at i-full tank mo!!"

simulan nung naging underbone rider ako napansin ko na laganap pala sa atin ang discrimination. for example iba pala ang treatment pag papasok ka sa mall.

scenario 1: galing lang sa main entrance
sekyu: "ser dito po ang pila ng lalaki na may bag at sa kabila po yung walang bag. mali ho pila nyo ser sa susunod ser magbasa kayo.."
joboboy: "(kamot ulo!) anu tingin mo sa akin illiterate? lam ko tinitingan ko lang kung mataas ang security level nyo bano!"

scenario 2: galing sa entrance ng mall pero sa parking LOT
sekyu: good apternun ser! ser security check lang po...
joboboy: ah ganun ba sige..
sekyu: ok na sir maraming po salamat paki ingatan na lang po ang parking cards natin!
joboboy: hmmm (feeling VIP with maching grin...)

napansin nyo ba to? or ako lang ang observant tlga(LOL!)? super discrimination di ba?! Moral Lesson.. pag papasok ka ng Mall dapat kahit wala ka kotse dun ka sa entrance ng parkin lot para iwas hassle.

Sa mga gas station marami din. pag motor dala mo parang minamadali ka palagi pero pag cage nampotek vip. Isa pa ayaw na ayaw ko talaga sa shell bawal kasi mag pa-gas ng walang sa 1 liter. Naalala ko nun nag-pagas ako sa Shell UN, 40 lang pera ko ayaw ako kargahan minimum daw 1 liter. Starting that day Petron na ako. At least sa petron kahit 20pesos pwede. And pansin ko din sa Shell ang laging nangunguna sa pagtaas ng price ng gas pero pag dating naman sa rollback sila ang nahuhuli. Maganda pa sa petron honor nila SM advantage card, gas up for points!

Ang pinaka nagustuhan ko talaga sa petron compare sa shell. Noong sa shell ako nagpapagas banat sa akin ng gasoline boy..

"ser ganda ng motor nyo ah hayop sa set up ang pogi!"

joboboy: "oh sige ung unleaded lang isang litro!!"

ngaun sa petron..

"ser ang ganda ng motor mo ah hayop sa set up ang pogi... parang yung may ari!"

joboboy: "nice.. blaze na dre paki full tank!!!"

oh di ba?! pag napadaan kayo sa macapagal may discount kayo sa petron dun! sabihin nyo lang name ko! :)

Monday, September 29, 2008

Huling Post while Raining in September

ngaun lang ako nakapag check ng mga personal messages ko sa isa sa mga fave ko na social networking site. ang astig eh ang dami ko mensahe. pero itong dalawang mensahe ang medyo nagpa-backflip sa akin eh

mensahe mula sa classmate:

"hoy joboboby buhay ka pa pala.. akalain mo eh dito lang pala kita makikita sa multiply. buwakanangina ka yung utang mo since college tayo bayaran mo na.. wag na wag ka pupunta ng recto papa-abangan kita doon!"

initial reaction: oh mah god!! im skeyyrd!!

mensahe mula sa ex:

hi! how are you nah bah? Hows life? Lovelife? Still comitted pa rin bah? well im soo okay naman as in. but as of now im kinda heartbroken.. i just broke up with mah BF.. Well bata pah namn akoh.. maybe maka-mit pa akoh ng good guy like you.. Hope your doin fine with your current life.. and by dah way you can txt me at 09XXXXXX amishooh!!

initial reaction: Oh my ate are you some kind of horney ba?! whats with the letter "H" after your vowels. is that a signal for something? dont get me wrong ate whenever forever kasi i read or hear a H after every vowel i feel that person is horney.. are you ba?! btw, thank for mentioning me that im a good guy, but remember what i told you before? im not that good as what you think off im just fucking adorable!!! btw thanks for leaving me for that cute guy. i bet you are so broke that you cant support him now. and for my parting words im a rockstar now and you are just my number one fan!! T.C.C.I.D.F.C if your wondering what does that means... Take Care Coz I Dont Fuckining Care!!!!

------------
Bukas walang pasok kasi end ng ramadan ng mga muslim. Bukas din ang schedule ng aming pagpunta ng marilaque, sierra madre resort to be exact. Naalala ko tuloy ang kalokohan ko nung college, pag nag starbucks kami ng mga kasama ko sa thesis ang lagi kong name na sinasabi sa barista ng starbucks eh muslim name like: jamir Al Husaini, Khadaffi etc. So banat ng barista eh "one grande of mocha frappuccino for Khadaffi!!" ayun magtatawanan na mga kasama ko. Sorry mga kapatid na muslim. Gago at malibog lang talaga ako, dati pero hindi naman ako nanloloko ng mga babae. So please spare me kung sakaling magka giyera. Hindi ko alam kung naniniwala kayo sa wish. Sa amin kasi pag pasko or mahahalagang occassion meron kaming privelege at least to make a wish. Wish ko ngaung pagtatapos ng holy month(feast) of ramadan ay "PEACE on EARTH". Sana yan din ang wish nyo.

group hug mga kapatid na MUSLIM!

xoxo

Wednesday, September 24, 2008

SEPTEMBER POST

its my first time to post sa month ng september. Super busy sa trabaho lately. Medyo gipit ako sa qouta namin ngayon. Kung kailan bumaba ang aming qouta tsaka naman naging off-month ko.

Simple lang naman ang trabaho ang magdala sa boss ko ng mga kaluluwa ng mga pinoy na gustong magpunta ng canada. Ang gulo no?! well basta ganun yun. Malamang pag nabasa nga ng mga cliente ko ang blog ko. Mawalan na silang gana ipagtiwala sa akin ang kanilang mga application. Sana walang nag bloblog na cliente ko at wag na wag nila itype ang joboboy sa google.

Meron ako na diskubre. Yung mga boss ko meron din pala blog site. hahaha. wtf akalain mo pati yung mga boss ko meron blog na kalokohan. kaya pala hindi na effective ang mga palusot ko tuwing late at absent ko eh, malamang nabasa na nila yun.

Oo nga pala we are planning to have a Marilaque Ride this coming october 1. As of now 4 na riders pa lang ang confirmed. Bale eto Route namin:

Manila- San Juan- Ortigas - Cainta- Antipolo - Tanay- Pililia - Marilaque - Laguna- Batangas- Tagaytay- Cavite- Manila

Medyo malayo route pero base sa mga research at napagtanungan namin exciting ag ride trail at maganda road. Pa-tune up na nga ako ng motor sa katapusan.

/GG

Wednesday, August 27, 2008

BABAE=MOTOR?


Ang sabi sa akin ng isa kong cliente na Engineer sa Japan at isang Motorcycle/Underbone Enthusiast.

"ang motor parang babae yan.. bago mo sakyan pinapaiinitin muna. Sa umaga pag malamig painitin mo muna tapos pwede mo na sakyan. Mas matagal na pag-papaiinit pag umuulan. Wag na wag mo sasakyan yan pag hindi pa mainit lalaban sayo yan.."

ayus! wtf!

------
an picture pala sa itaas ay ang akin motor. sineset-up at mimodify ko na. Bale pag katapos ng set-up at modification process eh inaasahan ko na mag mukha na syang kotse! :) ang sexy ng paa ng GF ko!

RUNNY NOSE

bad trip, akalain mo na sipunin ako. Kahit pala healthy ka na nilalang eh may chance ka pa din sa sipunin. Sa totoo lang nakuha ko tong sipon na to eh nung bumyahe kami ng tanay to laguna to batangay to tagaytay and back. After ng "escapade" na yun eh hatid ko friend ko sa cavite plus daan sa GF para doon mag dinner. Yun ang tinatawag na "palakas moves"

Isa na akong Rider ngaun. Meaning nag Momotor na ako. halos lahat ata ng sinabihan ko nito eh bumanat sa akin ng bumili ako ng ikakamatay ko. May mamamatay ba kung 30Kph lang ang takbo mo?

Noong aking last post eh sa poem writing contest na wtf eh di naman ako nanalo. Congrats nga pala sa nanalo. Lol next time seryoso na poem naman ang gagawin ko.

Share ko rin sa inyo ang mga ginagamit ko palusot nung nasisita ako ng Pulis.

pinara ako ng pulis.

ako: bakit sir?
pulis: nag right turn ka e red light.
ako: sir nakalagay naman right turn at your own risk e
pulis: kahit na. lisensya mo.
ako: sige sir. pero pwede po bang itabi ko muna duon (tindahan) at hintayin nyo na lang ako.
pulis: bakit?
ako: sir sama na talaga ng tyan ko ( umarteng di na makayanan ). please lang po. tulong nyo na sakin.
pulis: susmaryosep. bilisan mo na. alis na.
ako: ty sir.

Tuesday, August 12, 2008

Sana manalo ako!

sumali ako sa isang poem writing contest sa aking online game na nilalaro before. although naglalaro pa din ako nito ngayon pero hindi na masyado. pag may free time na lang.

Sana manalo ako kasi maganda din ang prize at maliban sa items ingame na prize may chance pa isama sa online magazine yung poem na nagawa mo. Actually yun ang purpose ko ma-ilathala ako sa fore-play magazine I dont mind the ingame prizes kasi malamang ibibigay ko din yun sa mga friends ko.

teka, nakalimutan ko meron din pala Epoints na prize. Bale yung epoints yun yung ginagamit pang load mo gametime mo sa MU na online game pero ang kagandahan dito pwede mo din sya magamit pang load na parang cell cards.

bale, kaya pala ako sumali kasi maliban sa mapupublish ka sa For-Play na magazine eh mananalo ka din ng 500 worth of EP, Ibig sabihin may 500 ep ako na pwede ko gawing Globe load pwede na ako mag pa-share a LOAD business nito.

Oh di ba one thing leads to another! Sa isang tula gumanda ang buhay ko wtf!

eto pala ang masterpiece ko:

TULA NG ISANG MANDIRIGMA NA MAY MALAKING SANDATA

sa bahr ako nagsimula humawak ng mga sandata..
dito ko unang nakita mga budge dragon na kulay lupa...

sa bahr din ko unang na-hasa mga linya ng pambobola..
sa mga elf na akala ko mga babae, nung kami magkita, chixilog pala..

sa bahr din ko unang nasubukan mag ups ng aking sandata..
sa pamamagitan ng bless tapos ng soul, isalang kay goblin kung matapang ka..

sa bahr una kong naramdaman ang sakit ng nabasagan..
nung kay goblin ko sinalang ang aking pinaka-unang sandata..

sa bahr ko unang naramdaman na wag ka dapat mawalan ng pag-asa
lalo na kung ikaw nabasagan o kaya ay kay goblin kinainan..

sa bahr ko natutunan kung paano palusutan at takasan..
ang aking GF papuntang shop pagkatapos ko maghapunan..

sa bahr ko rin nadama ang sakit ng mawalan kasintahan..
pero naisip ko mas masakit talaga ang mabasagan..

ngaung ililipat na kami sa server na TITAN, iiwan ko na ang mga karanasan
mula sa una kong sandata hangang sa mga elf na iniyakan..

pwede bang iwan na din ang goblin dun sa may noria..
nakadami din sya sa akin ang sabi ko sa kanya "may araw din sya"

sa paglipat ng TITAN may bago na namang makakalaban
mga sandatang pag iipunan at mga bagong elf na iiyakan..

pero ang di ko malilimutan ang aking pinagmulan
kung saan ako natuto mag nova at makisabay sa combohan

yan ang Bahr kung saan nagmula ang Kobalos, valhalla at @rena
sorry di ko na isinaama netorious retired na kasi sila



sana manalo!

Tuesday, August 5, 2008

HAPPY BDAY!

im so sick today!

Ang labo ng pinas akalain mo ba naman na bawal i modify ang iyong motorcycle. Anu to korupsyon sa ating creative ideas?!

Ang gulo!

Monday, July 14, 2008

EHEADS REUNION CONCERT


i am soooo damn excited, speechless ako!!! sa taas ang flyer na teaser daw 083008 meaning.. aug 30, 2008 CCP grounds.. Ill buy a ticket as soon as possible!! CERTIFIED EHEADS FAN AKO GAGO!

Tuesday, July 8, 2008

IPINAKIKILALA SI JOBOBOY

since medyo nalalapit na ang ika-18 kaarawan ko nais ko ishare sa inyo ang mga maliliit na bagay tungkol sa akin.

1. isang ekstraordinaryong nilalang na walang ginawa kundi matulog at mangarap.

2. ang office table ko ay punong puno ng kalat, bote ng c2 at coffe mug, minsan eto din ang ginagawa ko improvise na tulugan.

3. I feel naked kung wala ako dala panyo tuwing ako ay umaalis.

4. pag mag-isa lang ako.. tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ba isinama sa noah's ark ang lamok langaw at daga.

5. pag may hinahanap ako na isang bagay at di ko ito makita ay naiihi ako

6. pag mag isa lang ako sa elavator ay nautot ako :P

7. noong bata ako pangarap ko na maging wrestler.. gusto ko makalaban si hulk hogan, nung kabataan ko naman gusto ko maging bumbero, pag dating nung kolehiyo balak ko maging inhenyero.. ayun kinabagsakan ko BABAERO :)

8. pinunasan ko ng kulangot ung mga classmates ko sa van na natutulog noong highschool retreat namin

9. sobra ang takot ko sa matataas na lugar.. sa opisina namin na nasa 21st floor ni hindi ko binalak sumilp o lumapit masyado sa bintana. Siguro kaya din hindi ako good boy masyado.. mataas kasi ang langit.. hahaha :)

10. right handed ako pero nagiging ambidextrose(kanan-kaliwa) tuwing nag-******

kayo na lang mag isip ano un :P

Friday, July 4, 2008

The Perfect Lucky Me Pancit Canton!


Eto ang isa sa mga natutunan ko noong nag-aaral ako ng college, actually natutunan ko to during our thesis time. Wala kaming ibang mineryenda noon kundi pancit canton. Kaya ngaun eto punong puno ang utak ko ng MSG. Eto ang sekreto ng perfect na pansit canton


sa tuwing mag luluto ng pansit canton o yakisoba siguraduhing ilalagay ang noodles pag kumukulo na ang tubig. Orasan ng eksaktong tatlong minuto bago hanguin, mas maganda kung meron kang digital clock timer or maski cellphone sa iyong tabi kung wala naman hawakan mo ang iyong pulso at isabay sa bilang ng 1 to 180. Sureness na maganda ang pagkakaluto mo ng pansit canton hindi saggy at over cooked.


pag uwi nyo ng bahay try nyo gawin to at ihanda sa minamahal nyo.

Wednesday, June 25, 2008

DJ MO taena MO!

Tangina ang hirap pala maging artista. Imagine kung magiging artista ka at interviewhin ka ni DJ mo eto ung mga itatanong sayo. Langya napaisip nga ako sa isasagot ko dito. inaways share ko lang baka makatulong!


1. How old were you when you lost your virginity?

late bloomer ako 17


2. Worst thing done drunk?

i kicked a MMDA light post(got broken!) sa ayala blvd., side ng SM manila

3. Have you slept with a Friendster/Multiply contact?

yup but dati yun nung malikot pa ang mundo ko

4.f you HAVE TO sleep with a multiply/friendster contact, who would that be?


except from the one i love.. shempre langya yung mga celebrity, teka sino ba celebrity sa contact ko.. maria ozawa would be nice :)

5. Have you ever cheated when you were in a relationship?

yup, guilty as charged!

6. How far have you gone to check if your bf/gf is cheating you?

siyempre i have my friend spy her, check her emails, on the other side mas matindi GF ko sa akin!

7. crush, 1 local and 1 foreign celebrity?

local: jeniffer lee international: siguro miley cyrus, lindsey lohan gusto ko mga wild hahaha :)


8. Last time you pleasured yourself?

hahaha pag na-late sa opisina alam na!

9. How big is your wang ?


kakabili ko lng ng GBX na shoes last month and nagulat ako size 11.5 pala ang shoe size ko, ayun nga sa kasabihan blah blah blah..

10. What's the 8th message on your inbox, and who sent it?

some one inquiring about the PSP's im selling

11. Kissed in public?

i cant.. private person ako eh

12. How many one-night stands did you have?

sa totoo lang malas ako dito 2 pa lang.. lahat un sa college days namin!

13. Craziest place you've done it with?

moviehouse, sa garden nila hahaha taena buko ako dito

14. Have you slept with anyone famous?

famous sa school namin.. cguro ung nanalong MS Industrial Education sa school namin sa TUP.

15. tape out there? In YouTube? In Multiply? Or naked pictures?

sinubukan ko but disgusting!


16. Have you been in a threesome?

hahaha pangarap ko yan! taena kailan kaya?

17. Tried illegal drugs. What drugs?

yes, marijuana, out of curiosity once lang high school time

18. How many (if you can still count them) have you slept with?

di ako kiss and tell gago!

19-22. Dude we all know you’re gay, so just admit it.

gay? tangina mo mo ch*pain kita jan eh!


23. Have you ever had an indecent proposal?

hmm waiting for one


24. The worst billboard in Edsa.

minsan lang ako daan sa edsa

25. Funniest TV Commercial.

the one with the cowboy(tide)

26-27. When was the last time you watched or read a porn material?

sunday night! i got a lot of it..

28-33. If you can use an email to describe 5 people plus yourself, what would that be?
anggwapokotlgasabingnanayko@rolandgomez.com


34-35. What will be your pornstar name and what will be the title of your first porn movie?

joboboy matador

porn movie title: bumibiyak ng troso

36. Worst TV show?

wowowee i really hate this show

37. Spit or Swallow?

depends upon the situation and sa place

38. Longest time when you were “doing it” with someone?

1 day, bata pa ako nun hahaha sagaran

39. Shortest time?

nung nanonood kami sine saglitan lang. slam-bam-ty-mam-kind

40. Last time you had sex with someone?
answer disclose

Tuesday, June 24, 2008

The price on Enjoyment

This summary is not available. Please click here to view the post.

Friday, June 20, 2008

i got sick

damn na ulan to nagkasakit ako! dami ko na ininvite sa blog na to seems wala nag viview, pag magaling na ako may naiisip ako bago!

Tuesday, June 17, 2008

The Night is Young and So are We

Random thougths sa first night sched ko

quarter to six sumikat ang araw.. wow first time?

ganito pala feeling ng graveyard.. purga sa kape at yosi..

mahirap sumakay ng jeep papasok.. mahal naman taxi..

first time ko na hindi late pumasok! putangina astig!

shirt+jeans+tsinelas=office attire

nag bebeer haus pala yung mga guwardiya namin pag gabi.. lagot!

wala excuse sa boss, actually mahirap magpalusot sa boss..

parang gusto ko mag MCdo.. hmm..

mas busy pag graveyard.. katabi kasi mga boss :)

di manlang ako dinadalaw ng antok.. hyper..

nakakatense pala makipagusap sa canadians..

di ako makagawa ng entrt sa blog site ko..

its worth the experience

vice versa!

Monday, June 16, 2008

Random Thoughts

kailan ba ako makakapunta ng canada?

bakit sa noah's ark isinama pa ng ipis at daga?

kailang kaya ako magkaka-sixpack abs?

anu ba mas maganda n95 o SE p1i?

gaano ba katagal para marecieve ang money transfer sa SECURITY BANK?

Tangina talo CELTICS!

Ang tamang pronounciation pala sa Kompyuter eh Compyuder.. wtf!

Night sched na pasok ko 2am pet project ng boss ko kami mag tetest. ginuea pig?

tae mali ata spelling ko ng ginuea pig?

Sunday, June 15, 2008

ANG AKING AMANG JEDI

Fathers day pala kahapon araw ng Lingo, Nakita ko nga sa simbahan namin yung mga pinarangalang tatay eh. Naalala ko tuloy yung mga biro ng tropa ko sa akin na ako daw ang ama ng mga bata na nagkalat sa street namin. WTF! Hindi ko nga alam kung paano gumawa noon. Baka meron gusto magturo jan txt nyo lang 09279856617 :)

Inaways ung tatay ko parang Jedi Master yun, Sabi kasi sa Wiki and i kowt
The Jedi are monks, warriors, handcrafters and philosophers, who devote their lives to the Order. Recruited at a very young age, the Jedi are devoted to a life of service. Their early life involves training in the use of The Force; this training's purpose is to allow the Jedi to understand the special link each of them has with The Force, and the talents which they consequently derive from it, talents such as telekinesis, precognition, jumping to extreme heights and influencing the weak minded.
Dahil dito nalaman ko na Jedi ang tatay ko kasi una he belong to a working class citizen "blue collar jobs" ika nga nila. Inalay na nya ang buhay nya para pagsilbihan kaming pamilya(the order). Kwento ng tatay ko bata pa lang daw sya, tatay ko ang naging kanang kamay ng aking lolo sa mga trabaho. Kwento pa nga niya na hindi na sya nakapag-aral kasi nag give way sya sa kanyang mga bunsong kapatid. May special powers din tatay ko like ng sa Jedi. Telekenisis nung bata ako isang tawag ko lang andyan na agad yun sa school namin para sunduin ako. Precognition, akalain mo ang tatay ko alam na alam kung nagisisinungaling ako or may nararamdaman ako. Jumping to extreme hights, napakita to ng tatay ko dati nung nalaman nya gragraduate na ako ng college, aba akalain mo napatalon ng pagkataas taas sa tuwa, isa na lang daw kasi ang pag aaralin nya. Influencing weakmind dito ako bilib sa tatay ko lagi nya pinapalakas loob ko, lagi sabi noon "ok lang yan anak.. bawi na lang tayo.." Baka malamang isat kalahati maging Jedi Master din ako, Under training ako ng tatay ko eh. Teka, takte wag nyo ipagkalat na Jedi tatay ko. Baka hunting ng mga sith or ni darkvader un :P
-----------------------------------------------
SALAMAT Tay!
alam kong may naging mga girlfriend din kayo nung araw pero..
salamat sa panliligaw kay nanay sa pagpapakasal sa kanya at sa pagmamahal, nang dahil dun ako ay nabuo..
salamat sa araw araw namin pagkain kahit hindi ganun ka-garbo ay ubod naman ng sarap ang kwento mo!
salamat sa unang pagbuhat mo at paglagay sa iyong balikat noong nanood tayo ng mga palabas sa luneta dahil hindi ko ito makita..
salamat sa una kong sapatos na adidas, at sa araw araw na pagsundo at paghatid sa aking eskwelahan noong ako ay bata pa..
salamat at kahit 5 piso lang napapabaon mo sa akin di mo naman kami malimutan bilhan ng pandesal tuwing pag-pasok namin..
salamat sa unang kong bisikleta..
at sa pagturo sa akin kung papaano magbisikleta kahit ilan beses ko nasagasaan ang iyong daliri sa paa ay di ka nagsawa..
salamat sa una kong cellphone na iyong kinuha sa SSS loan mo.. quits na tau kasi nabilhan na din kita..
salamat sa pagpapahiram mo ng pinaka-magara mong polo noong time na ako'y nag defense..
salamat "ulit" sa pag papahiram mo "ulit" ng polo noong una akong nag-apply ako ng trabaho..
salamat at "hangan ngayon" pinapahiram mo pa din ako ng polo..
salamat din pala sa di pag galaw ng collections ko ng DVD at least alam nyo na lalake ang anak nyo! :)
salamat sa pagbubukas ng pinto pag lasing na lasing na ako umuuwi..
salamat sa 24/7 mong paglilingkod sa aming bilang ama..

yaan nyo po after 5 years ako naman ang magiging AMA..

hope so.. :)

Saturday, June 14, 2008

Prepare for Awesomeness


Payday kagabi, Kaya kailangan ko ng i-fullfill yung "promise" ko sa GF and sa pamangkin ko. Sabi ko sa kanila kasi last week pag sweldo treat ko sila ng movie na Kung-Fu Panda. Pagka-galing sa opisina derecho na sa SM manila, Dapat sa gateway kami manonood kaso ang problem etong pamangkin ko naiuwi sa bahay nila ung damit nya na panglakad. Ibig sabihin pambahay lang ang naiwan na damit nya. Kaya no choice SM manila na lang kami punta. Langya pag dating dun nampucha ang haba ng pila ng Hulk the Movie, buti na lang KFP papanoorin namin hahahaha.

Ang ganda ng kung-fu panda madami ka matutunan na aral. Una, wag ka manood ng sine pag araw ng sweldo kasi super haba ng pila pag bili ng ticket pati sa pagbili ng pop-corn. Actually the one line that strike me most is yung sinabi ni master oogway kay master shifu na:

"the past is history.. the future is a mystery but today is a gift, that is why we call this present.."

Parang napaisip tuloy ako. Plano ako ng plano ng future ko, pero nakakalimutan ko kung anu ako meron ngayon. Tae kaya minsan ayaw ko manood ng sine nakakaparanoid kasi.

Enjoy ang lakad! Kahit naubusan ako ng 900php sulit naman kasi nakita at narinig ko kung paano tumawa ung GF ko ng pagkalakas lakas plus yung mga pag eexplain ko sa pamangkin ko ng mga scenes at kwento ng movie hay.. worth it. Ang alat pala ng pop corn sa SM manila! amf

Friday, June 13, 2008

TANGINA KO SIKAT NA AKO!

lubos akong nagpapasalamat kay ginoong siege malvar sa pag feature sa akin sa mobius katropa.. taena sikat na ako!!! ibig sabihin kung ipapakilala nyo ako sa mga magulang ninyo, papakilala nyo na ako as an "upcoming internet celebrity". Mas lalo nyo tuloy gugustuhin na ipakilala nyo ako sa inyong mga magulang. I popoint out ko lang na hindi ako nagbayad ng anuman kay ginoong siege maski magkano ex: epoints, COD or paypal para ma feature sa katropa blog. Sya pa nga humingi ng friendster ko langya parang iba na yun ah! Pasensya wala "na" kasi ako frendster, so meaning dati meron. Pero dahil sa kakulitan ko meron pala self destruct button yung friendster, ayun my account is now history! Inaways meron ako multiply account eto un:

alamat ng gwapo sa multiply

Siege, mobiuskatropa salamat talaga di mo lang alam kung paano mo ako napasaya pati ang GF ko, sabi pa nga nya:

"sa wakas celebrity na ang BF ko.. matutuo ka nang maligo!"

Sana nga mabasa iyon ng akin nanay para meron naman sya ipagmalaki sa kanyang barkada! Naiisip ko tuloy bumili ng laptop para lagi nya mabasa ang blogs ko..


eto nga pala ang link ng katropa blog:


JOBOBOY SA KATROPA BLOG


check it out!

Tuesday, June 10, 2008

ITS A GONG!



iba talaga pag talented. eto ang unang prize ko sa paglalaro ng online games. Gong T-shirt and a Cap. Syempre when I got this Limited Edition Shirt from Mobius (game publisher ng GONG and MU Phil.) Sinuot ko kaagad sa aming opisina. Sabi ko nga kay master extasiege(may ari ng mobius katropa). "This shirt has powers built in it, I feel like am like a mobius game master!!!." No comment sya dito di ko lang alam kung bakit eto ang mga naisip ko sagot:

a. sobrang bagal ng chatbox sa katropa blog
b. yaw nya malaman ng iba na may built in powers ang gong shirt at baka pagkaguluhan ng buong pinas
c. busy sya sa libro nya :P

RESTLESS INDEED

I am back! Balik sa aking maliit na cubicle ng aking opisina. Kahit medyo mahaba ang ang bakasyon hindi ko naman ito sinayang.

sabado
sinamahan ko ang aking mga kaibigan na bumili ng gamit sa aming kinaadikang laro na MU online. Gumastos lang naman sila ng ng kulang kulang sa 3 libo para sa isang virtual item na hindi mo naman makakain mahahawakan at magagamit sa pang-araw araw na buhay. Sino ba nagsabing mahihirap ang pilipino? Langya ipapabaril ko sa luneta! Hindi naman sa galit ako sa pagbili ng "items" sa isang online game dahil i am guilty din sa bagay na yan. Ikwekwento ko yan dito at malulula kayo.

Linggo
Do my chores sa aming simbahan. isa din akong sound technician by profession, I consider this as an accidental profession well sa diyos naman aya walang aksidente. Lahat ng nangyayari ay may purpose. Nuong gabi DOTA naman ang trip namin ayun asaran at trashtalk

Lunes
Scheduled na holiday kasi minove ang araw ng kalayaan. Eto lang ang hindi ko maintindihan eh. Independence day di ba ang pinaka importanteng araw sa isang bansa? Yung GF ko nga eh galit na galit tuwing nakakalimutan ko or minomove ko ang date ng mansary namin. Kawawa naman ang PILIPINAS ang araw na sya ay naging malaya ay hindi inalala sa araw na yun. Inaways Pwede ako magpuyat ng araw na to kasi sched ng pasok ko is tues ng gabi. Bagong pet project ng boss ko and kami ang magttest. Tumawag smart sa akin will have my initial interview sa kanila ng tuesday 2-4pm tuesday

Martes
Sched ko ng interview sa smart 2-4pm sa Smart tower sa makati. Buti na lang medyo familiar ako sa makati eto pla ung bldg na katabi ng LKG tower kaharap ng Rufino Tower. This past months medyo nagiging "hobby" ko na ang mag-apply ng ibang trabaho. Well di naman sa ayaw ko na ng present job ko. Tinitingnan ko lang kung hangan saan ang capabilities ko at pati na din yung marketability ko. I applied for globe made it to the final cut as in 2 na lang kami fighting for one position. Medyo hindi pinalad sya ang nagwagi ako ang naging sawi. I dont know why i didnt make it. The line manager was so "impressed" with me. Ang problema lang ung kalaban ko may referral plus may utang kasi ako sa globe sa post-paid line nila. Inaways pumunta ako sa smart ang dami pala namin naka-line up kulang kulang 30 plus pero, 5 oras lang naman ang hinintay ko, and i have 10-15 minutes to prove na ako ang karapat dapat sa position. Another experience gain. Papasok na ako sa work ng mag text boss ko change of plans daw to be discused tom. Taena! buti na lang andun pa lang ako sa pinto ng opisina namin ndi pa talaga ako nakakapasok. TY sir ang aga mo ako ininform.

Myerkules
Pasok sa opisina take note di ako late. Matapos ang pagiging "proffesional Job Hunter" balik sa dating gawi sa office. Good news ang isa sa paborito kong cliente HR manager ng Sky cable ay meron ng file number sa canada. potek napaisip tuloy ako mag-apply kaya ako sa kanya?! Isa pa kinonsider as day off ang aking pasok kahapon so ibig sabihin. 6 ang day off ko sa isang cut off pwede ba un?!

Reflection: salamat lord sa mga blessings na ibinigay mo sa akin ngaung week. Kahit po di nyo ako pinasa sa globe at gaya nga po ng sabi nyo if the door closes the windows will be open for you or something like that. Pero Lord wag naman po lagi kayo mag oopen kasi bawat interview po di ko pinapalagpas yan tuloy ang dami ko absent sa opisina. Lord tumawag nga pala yung SUN sa akin. Anu po ba gagawin ko? Lord sana po yung mga MMDA sa may Tambo Coastal eh pa-absent nyo naman po kasi ang sila po yung nagpapatrafik papunta sa amin opisina. Isa pa po sila ces drilon po maganda po sya na reporter ayaw ko isipin pero may chance na gahasain po sya ng mga abductors nya. kawawa naman ikinulong na nga sya nung peninsula siege eto pa nangyari sa kanya. anu po ba ang meron sa carp lord? pwede po ba dalawin nyo sa panaginip ung mga congressman na against dito? isa pa lord ung PSP ko binebenta ko sana mabenta ko sa mahal na halaga. AMEN!

Friday, June 6, 2008

This was my first post!

Yeah this is my first post but sinadya ko talaga ilagay ang "was" instead of "is" sa aking title head. Sa totoo lang "noob" ako sa larangan ng blogging pero meron na akong existing blog sa aking multiply site. Meron na din akong mga consistent followers mostly friends at ibang contact sa multiply. Sabi nga ng isa kong friend

"why dont you have your own blogspot account which is more diverse and focus only on blogs."

Isa pa halos ata ng contact ko sa multiply mga ka-churchmate ko. Nilalaman ng blogs nila is about faith and politics. Sabi ko parang O.P. na ako kasi blogs ko contain profanity. Pag nakikita nila ako banat nila lagi

"anu na namang kabastusan yun?!"

Sagot ko na lang

"Well at least nakita nila na meron pa palang other side ng buhay."

Ngayon I have the freedom say what i want.. kaya marami raming.. Tangina, fokenamshet, STFU, titi, kepyas at ilan pang kahindik hindik na salita ang mababasa dito.

Ina-ways, Its my first post i want it to be sweet. Pag tapos ng matagal na panahon babalikan ko ito unang post ko isa lang masasabi ko:

"Syet! This was my first post!"