
Payday kagabi, Kaya kailangan ko ng i-fullfill yung "promise" ko sa GF and sa pamangkin ko. Sabi ko sa kanila kasi last week pag sweldo treat ko sila ng movie na Kung-Fu Panda. Pagka-galing sa opisina derecho na sa SM manila, Dapat sa gateway kami manonood kaso ang problem etong pamangkin ko naiuwi sa bahay nila ung damit nya na panglakad. Ibig sabihin pambahay lang ang naiwan na damit nya. Kaya no choice SM manila na lang kami punta. Langya pag dating dun nampucha ang haba ng pila ng Hulk the Movie, buti na lang KFP papanoorin namin hahahaha.
Ang ganda ng kung-fu panda madami ka matutunan na aral. Una, wag ka manood ng sine pag araw ng sweldo kasi super haba ng pila pag bili ng ticket pati sa pagbili ng pop-corn. Actually the one line that strike me most is yung sinabi ni master oogway kay master shifu na:
"the past is history.. the future is a mystery but today is a gift, that is why we call this present.."
Parang napaisip tuloy ako. Plano ako ng plano ng future ko, pero nakakalimutan ko kung anu ako meron ngayon. Tae kaya minsan ayaw ko manood ng sine nakakaparanoid kasi.
Enjoy ang lakad! Kahit naubusan ako ng 900php sulit naman kasi nakita at narinig ko kung paano tumawa ung GF ko ng pagkalakas lakas plus yung mga pag eexplain ko sa pamangkin ko ng mga scenes at kwento ng movie hay.. worth it. Ang alat pala ng pop corn sa SM manila! amf
No comments:
Post a Comment