I am back! Balik sa aking maliit na cubicle ng aking opisina. Kahit medyo mahaba ang ang bakasyon hindi ko naman ito sinayang.
sabado
sinamahan ko ang aking mga kaibigan na bumili ng gamit sa aming kinaadikang laro na MU online. Gumastos lang naman sila ng ng kulang kulang sa 3 libo para sa isang virtual item na hindi mo naman makakain mahahawakan at magagamit sa pang-araw araw na buhay. Sino ba nagsabing mahihirap ang pilipino? Langya ipapabaril ko sa luneta! Hindi naman sa galit ako sa pagbili ng "items" sa isang online game dahil i am guilty din sa bagay na yan. Ikwekwento ko yan dito at malulula kayo.
Linggo
Do my chores sa aming simbahan. isa din akong sound technician by profession, I consider this as an accidental profession well sa diyos naman aya walang aksidente. Lahat ng nangyayari ay may purpose. Nuong gabi DOTA naman ang trip namin ayun asaran at trashtalk
Lunes
Scheduled na holiday kasi minove ang araw ng kalayaan. Eto lang ang hindi ko maintindihan eh. Independence day di ba ang pinaka importanteng araw sa isang bansa? Yung GF ko nga eh galit na galit tuwing nakakalimutan ko or minomove ko ang date ng mansary namin. Kawawa naman ang PILIPINAS ang araw na sya ay naging malaya ay hindi inalala sa araw na yun. Inaways Pwede ako magpuyat ng araw na to kasi sched ng pasok ko is tues ng gabi. Bagong pet project ng boss ko and kami ang magttest. Tumawag smart sa akin will have my initial interview sa kanila ng tuesday 2-4pm tuesday
Martes
Sched ko ng interview sa smart 2-4pm sa Smart tower sa makati. Buti na lang medyo familiar ako sa makati eto pla ung bldg na katabi ng LKG tower kaharap ng Rufino Tower. This past months medyo nagiging "hobby" ko na ang mag-apply ng ibang trabaho. Well di naman sa ayaw ko na ng present job ko. Tinitingnan ko lang kung hangan saan ang capabilities ko at pati na din yung marketability ko. I applied for globe made it to the final cut as in 2 na lang kami fighting for one position. Medyo hindi pinalad sya ang nagwagi ako ang naging sawi. I dont know why i didnt make it. The line manager was so "impressed" with me. Ang problema lang ung kalaban ko may referral plus may utang kasi ako sa globe sa post-paid line nila. Inaways pumunta ako sa smart ang dami pala namin naka-line up kulang kulang 30 plus pero, 5 oras lang naman ang hinintay ko, and i have 10-15 minutes to prove na ako ang karapat dapat sa position. Another experience gain. Papasok na ako sa work ng mag text boss ko change of plans daw to be discused tom. Taena! buti na lang andun pa lang ako sa pinto ng opisina namin ndi pa talaga ako nakakapasok. TY sir ang aga mo ako ininform.
Myerkules
Pasok sa opisina take note di ako late. Matapos ang pagiging "proffesional Job Hunter" balik sa dating gawi sa office. Good news ang isa sa paborito kong cliente HR manager ng Sky cable ay meron ng file number sa canada. potek napaisip tuloy ako mag-apply kaya ako sa kanya?! Isa pa kinonsider as day off ang aking pasok kahapon so ibig sabihin. 6 ang day off ko sa isang cut off pwede ba un?!
Reflection: salamat lord sa mga blessings na ibinigay mo sa akin ngaung week. Kahit po di nyo ako pinasa sa globe at gaya nga po ng sabi nyo if the door closes the windows will be open for you or something like that. Pero Lord wag naman po lagi kayo mag oopen kasi bawat interview po di ko pinapalagpas yan tuloy ang dami ko absent sa opisina. Lord tumawag nga pala yung SUN sa akin. Anu po ba gagawin ko? Lord sana po yung mga MMDA sa may Tambo Coastal eh pa-absent nyo naman po kasi ang sila po yung nagpapatrafik papunta sa amin opisina. Isa pa po sila ces drilon po maganda po sya na reporter ayaw ko isipin pero may chance na gahasain po sya ng mga abductors nya. kawawa naman ikinulong na nga sya nung peninsula siege eto pa nangyari sa kanya. anu po ba ang meron sa carp lord? pwede po ba dalawin nyo sa panaginip ung mga congressman na against dito? isa pa lord ung PSP ko binebenta ko sana mabenta ko sa mahal na halaga. AMEN!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment