Sunday, June 15, 2008

ANG AKING AMANG JEDI

Fathers day pala kahapon araw ng Lingo, Nakita ko nga sa simbahan namin yung mga pinarangalang tatay eh. Naalala ko tuloy yung mga biro ng tropa ko sa akin na ako daw ang ama ng mga bata na nagkalat sa street namin. WTF! Hindi ko nga alam kung paano gumawa noon. Baka meron gusto magturo jan txt nyo lang 09279856617 :)

Inaways ung tatay ko parang Jedi Master yun, Sabi kasi sa Wiki and i kowt
The Jedi are monks, warriors, handcrafters and philosophers, who devote their lives to the Order. Recruited at a very young age, the Jedi are devoted to a life of service. Their early life involves training in the use of The Force; this training's purpose is to allow the Jedi to understand the special link each of them has with The Force, and the talents which they consequently derive from it, talents such as telekinesis, precognition, jumping to extreme heights and influencing the weak minded.
Dahil dito nalaman ko na Jedi ang tatay ko kasi una he belong to a working class citizen "blue collar jobs" ika nga nila. Inalay na nya ang buhay nya para pagsilbihan kaming pamilya(the order). Kwento ng tatay ko bata pa lang daw sya, tatay ko ang naging kanang kamay ng aking lolo sa mga trabaho. Kwento pa nga niya na hindi na sya nakapag-aral kasi nag give way sya sa kanyang mga bunsong kapatid. May special powers din tatay ko like ng sa Jedi. Telekenisis nung bata ako isang tawag ko lang andyan na agad yun sa school namin para sunduin ako. Precognition, akalain mo ang tatay ko alam na alam kung nagisisinungaling ako or may nararamdaman ako. Jumping to extreme hights, napakita to ng tatay ko dati nung nalaman nya gragraduate na ako ng college, aba akalain mo napatalon ng pagkataas taas sa tuwa, isa na lang daw kasi ang pag aaralin nya. Influencing weakmind dito ako bilib sa tatay ko lagi nya pinapalakas loob ko, lagi sabi noon "ok lang yan anak.. bawi na lang tayo.." Baka malamang isat kalahati maging Jedi Master din ako, Under training ako ng tatay ko eh. Teka, takte wag nyo ipagkalat na Jedi tatay ko. Baka hunting ng mga sith or ni darkvader un :P
-----------------------------------------------
SALAMAT Tay!
alam kong may naging mga girlfriend din kayo nung araw pero..
salamat sa panliligaw kay nanay sa pagpapakasal sa kanya at sa pagmamahal, nang dahil dun ako ay nabuo..
salamat sa araw araw namin pagkain kahit hindi ganun ka-garbo ay ubod naman ng sarap ang kwento mo!
salamat sa unang pagbuhat mo at paglagay sa iyong balikat noong nanood tayo ng mga palabas sa luneta dahil hindi ko ito makita..
salamat sa una kong sapatos na adidas, at sa araw araw na pagsundo at paghatid sa aking eskwelahan noong ako ay bata pa..
salamat at kahit 5 piso lang napapabaon mo sa akin di mo naman kami malimutan bilhan ng pandesal tuwing pag-pasok namin..
salamat sa unang kong bisikleta..
at sa pagturo sa akin kung papaano magbisikleta kahit ilan beses ko nasagasaan ang iyong daliri sa paa ay di ka nagsawa..
salamat sa una kong cellphone na iyong kinuha sa SSS loan mo.. quits na tau kasi nabilhan na din kita..
salamat sa pagpapahiram mo ng pinaka-magara mong polo noong time na ako'y nag defense..
salamat "ulit" sa pag papahiram mo "ulit" ng polo noong una akong nag-apply ako ng trabaho..
salamat at "hangan ngayon" pinapahiram mo pa din ako ng polo..
salamat din pala sa di pag galaw ng collections ko ng DVD at least alam nyo na lalake ang anak nyo! :)
salamat sa pagbubukas ng pinto pag lasing na lasing na ako umuuwi..
salamat sa 24/7 mong paglilingkod sa aming bilang ama..

yaan nyo po after 5 years ako naman ang magiging AMA..

hope so.. :)

No comments: