Kaninang umaga nagpa-gas ako sa Petron potek ang mura na ng gasolina. Dati nung nag start ako price nya nasa 52 pesos unleaded yun huh! Pero ngaun 46 unleaded. Kaya naman palit ako ng gasolina syempre yung pinaka sosyal, Petron Blaze. Kaya pag nagpapagas ako laging banat sa akin ng gasoline boy..
"ser unleaded po isang litro?!"
nak ng potek tingin mo sa akin cheap?!
"dre petron blaze at i-full tank mo!!"
simulan nung naging underbone rider ako napansin ko na laganap pala sa atin ang discrimination. for example iba pala ang treatment pag papasok ka sa mall.
scenario 1: galing lang sa main entrance
sekyu: "ser dito po ang pila ng lalaki na may bag at sa kabila po yung walang bag. mali ho pila nyo ser sa susunod ser magbasa kayo.."
joboboy: "(kamot ulo!) anu tingin mo sa akin illiterate? lam ko tinitingan ko lang kung mataas ang security level nyo bano!"
scenario 2: galing sa entrance ng mall pero sa parking LOT
sekyu: good apternun ser! ser security check lang po...
joboboy: ah ganun ba sige..
sekyu: ok na sir maraming po salamat paki ingatan na lang po ang parking cards natin!
joboboy: hmmm (feeling VIP with maching grin...)
napansin nyo ba to? or ako lang ang observant tlga(LOL!)? super discrimination di ba?! Moral Lesson.. pag papasok ka ng Mall dapat kahit wala ka kotse dun ka sa entrance ng parkin lot para iwas hassle.
Sa mga gas station marami din. pag motor dala mo parang minamadali ka palagi pero pag cage nampotek vip. Isa pa ayaw na ayaw ko talaga sa shell bawal kasi mag pa-gas ng walang sa 1 liter. Naalala ko nun nag-pagas ako sa Shell UN, 40 lang pera ko ayaw ako kargahan minimum daw 1 liter. Starting that day Petron na ako. At least sa petron kahit 20pesos pwede. And pansin ko din sa Shell ang laging nangunguna sa pagtaas ng price ng gas pero pag dating naman sa rollback sila ang nahuhuli. Maganda pa sa petron honor nila SM advantage card, gas up for points!
Ang pinaka nagustuhan ko talaga sa petron compare sa shell. Noong sa shell ako nagpapagas banat sa akin ng gasoline boy..
"ser ganda ng motor nyo ah hayop sa set up ang pogi!"
joboboy: "oh sige ung unleaded lang isang litro!!"
ngaun sa petron..
"ser ang ganda ng motor mo ah hayop sa set up ang pogi... parang yung may ari!"
joboboy: "nice.. blaze na dre paki full tank!!!"
oh di ba?! pag napadaan kayo sa macapagal may discount kayo sa petron dun! sabihin nyo lang name ko! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
super napansin ko rin yang sa security check na yan.pag nagcommute ka, parang terrorista tingin sayo. Pag galing ka sa parking lot, serbis with a smile pa.
Post a Comment