Katapusan ng June bago ako umuwi nagkita kami ng aking mga kaibigan(college friends) ang mag-asawang jan at rose sa MOA. Nagdinner kami tapos tumambay sa mcdo para mag kape. Wala kasi kaming pang starbucks. Since masarap naman ang McCafe eh dun na lang. Ang saya ng kwentuhan namin. 11pm ng magpasya na kaming umuwi sa kanya-kanya naming bahay. Tandang tanda ko noon na umulan pa ng malakat nun.
Mag aalas dose na ako ng makauwi sa bahay. Usuall tulog na mga tao sa amin. Ako naman babad muna sa cyberspace since 1pm pa ang pasok ko kinabukasan. Alas 5am na ako nakatulog noon. Wala pa atang isang oras ng gisingin ako ng aking pinsan na ang akin nanay na si Mama Rina ay hindi na magising. Akala ko pa noon ay pinagtritripan lang ako. Ngunit nagulat ako sa nakita ko. Wala kaming choice. Sinugod namin sya sa pinakamalapit na Hospital. Manila Doctors.
Wala kaming pera, pero sa isang pribadong ospital namin sya isinugod. Natakot kasi ako noon sa PGH na uso ang palakasan. Baka hindi mabigyan agad ng pangunang lunas ang akin ina.
Dumating kami sa PGH nakapagsalita pa sya. "Pao" yan ang sabi nya na medyo vivid pa sa aking isipan hangang ngayon. Sa kanyang CT-scan(una) wala syang damage. Pero ang unang diagnosis ng doctor ay Stroke. Gusto lang nila i-confirm kung saan ang damage. MRI yan ang suggestion. Dahil medyo unstable pa si mama, minabuti muna syang extubate, life support system at catether. LOL di ko alam kung tama spelling ko :)
My mom will start her long stay in the hospital sa ICU. By 2pm nalipat na kami sa ICU after matinding pakiusapan sa finance ng hospital na wag muna kami mag down. Kasi kailangan namin ng pambayad sa kanyang MRI sa kinabukasan. Mabuti na lang andyan ang UST na mayroong mura at magandang film na MRI sa Manila.
Our long/sleepless night will now begin.
.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment