Tuesday, July 28, 2009

JULY 2

Gulo pa ang isip ko medyo nag uumpisa pa lang mag sink in sa akin ang nangyari. 10 am matapos makapagpa-reserve sa ambulansya ay dinala namin ang aking ina sa UST. Initial na gastos:

MRI= 14kphp
Ambulance=7kphp

Wala pa atang isang oras yun. Mabilis pala talaga ang byahe pag nasa ambulansya ka. Imagine from UN avenue to espana wala pang 10 mins. Eh kung sumakay ako ng jeep nun sa kalaw isang oras nasa Quiapo pa lang ako. Back to topic. Wala pang isang oras 20kphp na agad ang nabawas. Wala kami magawa.

Initial findings Infarct sa brain stem. Which is naging findings na din ng kanyang consultant. Infarct according to wiki:

"In
medicine, an infarction is the process of tissue death (necrosis) caused by blockage of the tissue's blood supply. The supplying artery may be blocked by an obstruction (e.g. an embolus, thrombus, or atherosclerotic plaque), may be mechanically compressed (e.g. tumor, volvulus, or hernia), ruptured by trauma (e.g. atherosclerosis or vasculitides), or vasoconstricted (e.g. cocaine vasoconstriction leading to myocardial infarction).
"

Whatever that means. In laymans term namatay ang isang part ng brain ng aking nanay because of barado or di nasupplayan ng blood(oxygen).The part is thalamus to be exact. Ang thalamus naman ay ang part ng brain wich is according again to wiki:

"The thalamus also plays an important role in regulating states of sleep and wakefulness.[4]thalamo-cortico-thalamic circuits that are believed to be involved with consciousness. The thalamus plays a major role in regulating arousal, the level of awareness, and activity. Damage to the thalamus can lead to permanent coma."

Kami naman stroke=sakit ng mayaman. Since di naman kami mayaman parang isa syang iceberg sa amin. Malaki, masakit malamig whatever.

So there it is and we have to deal with it. Everyday is a blessing yan ang naging mantra ko. Sad thing after 2 days di pa din gumigisin mama ko..

JULY 1

Katapusan ng June bago ako umuwi nagkita kami ng aking mga kaibigan(college friends) ang mag-asawang jan at rose sa MOA. Nagdinner kami tapos tumambay sa mcdo para mag kape. Wala kasi kaming pang starbucks. Since masarap naman ang McCafe eh dun na lang. Ang saya ng kwentuhan namin. 11pm ng magpasya na kaming umuwi sa kanya-kanya naming bahay. Tandang tanda ko noon na umulan pa ng malakat nun.

Mag aalas dose na ako ng makauwi sa bahay. Usuall tulog na mga tao sa amin. Ako naman babad muna sa cyberspace since 1pm pa ang pasok ko kinabukasan. Alas 5am na ako nakatulog noon. Wala pa atang isang oras ng gisingin ako ng aking pinsan na ang akin nanay na si Mama Rina ay hindi na magising. Akala ko pa noon ay pinagtritripan lang ako. Ngunit nagulat ako sa nakita ko. Wala kaming choice. Sinugod namin sya sa pinakamalapit na Hospital. Manila Doctors.

Wala kaming pera, pero sa isang pribadong ospital namin sya isinugod. Natakot kasi ako noon sa PGH na uso ang palakasan. Baka hindi mabigyan agad ng pangunang lunas ang akin ina.

Dumating kami sa PGH nakapagsalita pa sya. "Pao" yan ang sabi nya na medyo vivid pa sa aking isipan hangang ngayon. Sa kanyang CT-scan(una) wala syang damage. Pero ang unang diagnosis ng doctor ay Stroke. Gusto lang nila i-confirm kung saan ang damage. MRI yan ang suggestion. Dahil medyo unstable pa si mama, minabuti muna syang extubate, life support system at catether. LOL di ko alam kung tama spelling ko :)

My mom will start her long stay in the hospital sa ICU. By 2pm nalipat na kami sa ICU after matinding pakiusapan sa finance ng hospital na wag muna kami mag down. Kasi kailangan namin ng pambayad sa kanyang MRI sa kinabukasan. Mabuti na lang andyan ang UST na mayroong mura at magandang film na MRI sa Manila.

Our long/sleepless night will now begin.
.

Am I Back?!

Namiss ko mag-blog. Ang daming nangyari ang daming naganap hindi ako nakapag cope up. Well actually medyo solve na ako at may time na ako magblog any moment/time na gusto ko. May PC/Laptop na sa bahay. Nabili ko na din ang NIKON d60 na pinapangarap ko. Eto muna ang update sa mga buhay ko

check nyo flickr ko: search nyo na lang rolandgomez21

add nyo ako sa facebook account nyo: yoboboj@gmail.com

ayan ang mga update sa akin. Subukan kong ilipat ang aking galleries sa aking multiply, pag may oras nakakatamad kasi maglipat ng pics.

Nagsusubok ako ngayon ng photography, pinipilit kong intindihin at sa tingin ko may natutunan naman. Nagenroll sa isang class di ko na natapos. Something really bad happened eh. Na-stroke ang mama rina ko. Halos lahat naubos, financial, emotional strenght at physical na din. Grabe ganun pala ang buhay. I Learn so much. Actually I learn so much sa span ng time na to compare sa buong buhay ko. Overwhelming ang experience. Sadness to hope ang dami. Ang aking mantra now.

"everyday is a blessing..."

Araw-araw yan ang buhay ko simula July 1 2009. Gumigising ako mula sa aking pagtulog na kahit pagod naniniwala na may blessing na darating bago matapos ang gabi. Gusto ko gumawa ng Blog about sa experience na ito. Yung tipong blow by blow events nang nangyari sa akin/amin simula ng july 1. Siguro dito ko na din ilalahad yun. Medyo magiging seryoso muna tayo. Medyo aayusin muna natin ang entries.

Gusto ko makatulong na din sa iba kung anu ang mga dapat gawin kung saka sakali mangyari sa kanila yun. Gusto ko rin ihayag ang kahalagahan ng sistemang medikal sa pilipinas. Di pa rin naman magiiba ang content ng blog ko. Medyo magiging seryoso muna tayo. Pero di pa din natin iaalis ang "humor."

Ganyan tayo eh! Kahit anung lungkot ng buhay nakukuha pa rin ngumiti at magisip ng nkakatuwa. I guess that is how life is meant to be.

Wait for my next entry!